in

Ilang Kapuso stars, abala sa gawaing-bahay ngayong quarantine

Ngayong hindi pwedeng lumabas ng bahay dahil sa enhanced community quarantine, busy ang ilang Kapuso actresses na sina Carla Abellana, Rhian Ramos, at Heart Evangelista sa mga gawaing bahay na hindi nila dati nagagawa. Sa kani-kanilang vlogs, ipinasilip nina Carla, Rhian, at Heart ang isang karaniwang araw sa kanilang buhay sa gitna ng quarantine. 

Mula sa paglalaba ng kanyang damit hanggang sa pag-aayos ng mga damit sa kanyang cabinet, si Carla mismo ang gumagawa dahil umuwi muna sa kani-kanilang pamilya ang kanyang mga kasama sa bahay. Pati pagpapaligo sa kanyang mga alagang aso at pagpapakain sa mga ito, siya ang gumagawa. 

Si Rhian Ramos naman, toka sa paggo-grocery, paghahanda ng pagkain at paglilinis ng kanilang bahay. 

Abala man sa repacking ng mga donasyon, ginamit din ni Heart Evangelista ang oras na ito sa pagde-design at pagre-rearrange ng furnitures. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Golden Canedo, may payo sa mga sasali sa ‘The Clash’ online auditions

Glaiza de Castro, ikinuwento kung paano na-stranded sa Baler