in

‘Celebrity Bluff,’ balik-telebisyon simula May 2

Siguradong mapupuno ng saya at katatawanan ang weekend ng Kapuso viewers dahil muling mapapanood ang all-original Pinoy comedy game show na ‘Celebrity Bluff.’

Simula May 2, balik-telebisyon sina Eugene Domingo, Jose Manalo, Boobay at Brod Pete para maghatid ng kasiyahan at kaalaman sa sambayanang Pilipino habang naka-quarantine sa kani-kanilang mga tahanan.

Talagang fact na fact ang hatid na saya at kilig ng #JoGe loveteam na hatid lamang ay good vibes sa mga manunuod.

At ngayong Sabado, tutukan sina Eugene at celebrity bluffers na sina Mylene Dizon, Sheryl Cruz at Sef Cadayona kasama ang kanilang personal assistants. Tutok na sa Celebrity Bluff simula ngayong Sabado pagkatapos ng #MPK sa GMA. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Aicelle Santos at Mark Zambrano, kontento na sa bahay ang honeymoon

Derek Ramsay at Andrea Torres, aminadong miss na ang isa’t isa