in

Boyfriend ni Lovi Poe, sino ang pinagseselosang aktor?

Maraming netizens ang kinilig sa tweet ni Kapuso star Lovi Poe tungkol sa nakakaaliw na conversation nila ng non-showbiz boyfriend nitong si Montgomery Blencowe.

Dahil sa extended na enhanced community quarantine, tila ba’y maraming oras na manood ngayon ng Korean dramas si Lovi na pinagsisigawan ang kanyang latest obsession kay Korean actor Hyun Bin na siyang pinagseselosan naman ng nobyo nitong si Monty.

Ayon sa ibinahaging nakakakilig na conversation ni Lovi, sinabihan ito ni Monty na tigilan na ang pagpopost tungkol kay Hyun Bin, sagot naman ng aktres na siya lang ang number 1 niya. Subalit sagot ulit ni Monty na dapat ay walang number 1 at siya lang only one nito.

Mapapansin sa mga nakaraang tweets ni Lovi ang kanyang pagkahumaling sa naturang Korean drama at lead actor, “After watching ‘Crash Landing on You… ayoko nang manood ng ibang K-drama. I wanna stay loyal to Hyun Bin. Huwow! May relasyon?!”

Maliban kay Lovi, marami na ring Kapuso celebrities ang na-in love kay Hyun Bin at sa hit K-drama series tulad na lamang nina Yasmien Kurdi, Shaira Diaz, at Lilet Esteban. Samantala, muling magbabalik-telebisyon si Lovi kasama ang Kapuso hunk actor na si Benjamin Alves sa pagbibidahan nilang romance-comedy serye na Owe My Love ng GMA Public Affairs. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Brent Valdez, nakapagsimula ng milk tea business ngayong quarantine

Anak ni Yasmien Kurdi, mag-aartista na rin?