in

Anak ni Yasmien Kurdi, mag-aartista na rin?

Papayagan nga kaya ni Kapuso star Yasmien Kurdi na pumasok sa showbiz ang anak nitong si Ayesha?

Magmula nang sumali si Yasmien sa reality-based artista search ng Kapuso Network na StarStruck noong taong 2003, marami na itong napagdaanan at napatunayan sa larangan ng pag-arte.

Mula pagkadalaga nito hanggang magkaasawa’t maging ina, halos lumaki si Yasmien sa mata ng publiko. Hindi tuloy kataka-taka na nasanay na rin ang anak nitong si Ayesha na makita ang nanay sa telebisyon.

Nakahiligan na rin ng bata ang kumanta at umarte sa mga vlogs ng YouTube channel ni Yasmien. Dagdag pa ni Yasmien ay natural daw na bibo at madaldal si Ayesha na hindi kakikitaan ng hiya tuwing nasa harap ng camera.

“Si Ayesha laging nagtatanong sa akin kung ano daw ang gusto ko para sa kanya. Pero siyempre ayaw ko naman i-impose at ayaw kong ma-acquire niya ‘yung maging artista dahil artista ako,” saad ni Yasmien.

Suportado rin daw ng Kapuso actress kung ano man ang interest ng kanyang anak at kung anong pangarap nito sa hinaharap.

Samantala, dahil extended ang enhanced community quarantine ay binigyan ni Yasmien ng tips ang parents para maging productive ang araw nila at ng kanilang mga anak sa pamamagitan ng free online classes.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Boyfriend ni Lovi Poe, sino ang pinagseselosang aktor?

Solenn Heussaff, ibinahagi sa netizens ang unang litrato nila ni Baby Thylane