in

Althea Ablan, enjoy sa pagluluto!

Mukhang aliw na aliw sa bahay ang ‘Prima Donnas’ star na si Althea Ablan habang naka-quarantine! Marami kasi raw itong natutunan na recipes na panay naman ang pag-share niya sa mga fans na nakaka-miss sa kaniya on screen.

Mapapanood sa YouTube channel ni Althea ang mga ginagawa niyang homemade dishes katulad na lamang ng latest niyang pancake cereals at pancake syrup. Bentang-benta sa viewers kung paano niya ito binuo gamit ang ingredients sa kanilang kitchen!

Samantala, maaari pa ring mapanood ang mga lumabas na episodes ng ‘Prima Donnas’ online sa GMANetwork.com at sa GMA Network App.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Derek Ramsay at Andrea Torres, aminadong miss na ang isa’t isa

Kyline Alcantara, 3 million na ang fans sa IG!