in

Golden Canedo, may payo sa mga sasali sa ‘The Clash’ online auditions

Nagbigay ng mensahe ang The Clash season 1 grand winner na si Golden Canedo sa mga sasali sa online auditions ng The Clash.

Sinimulan ng singing competition ang kanilang online auditions noong April 4, 2020 at magtatapos sa June 28, 2020.

Kaya naman nagbigay ng payo si Golden sa mga nangangarap na maging next singing sensation ng kompetisyon.

Aniya, “Ang gusto ko lang sabihan sa kanila na sa kahit ano man ang nangyayari dito sa mundo natin, sa pamilya natin, sa madaming masasakit na nangyayari sa atin, magpatuloy lang sila sa dreams nila. Huwag mawalan ng pag-asa and patuloy pa rin ipakita ‘yung talento ng binigay ng Diyos sa kanila.”

Samantala, sa mga nais mag-audition, kailangang mag-submit ng dalawang audition videos: isang English song entry at isang Filipino song entry na may kasamang accompaniment.

Bawat video ay kailangang may maikling introduction. Ang song entry ay hindi dapat lumagpas ng 1 minuto at 30 seconds at may video formats na .mp4, .mov, at .avi lamang.

Ang maximum file size ng bawat video ay 30 MB at kailangang i-submit at i-upload by sa www.gmanetwork.com/TheClashAuditions.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Lovely Abella, may bagong career na!

Ilang Kapuso stars, abala sa gawaing-bahay ngayong quarantine