in

Megan Young at kapwa Miss World winners, suportado ang frontliners

Nakikiisa si Kapuso star at Miss World 2013 Megan Young kasama ang kanyang kapwa Miss World winners sa pagsaludo sa magigiting nating frontliners na patuloy na lumalaban at nagbibigay serbisyo sa kabila ng banta ng COVID-19. Pinatunayan nila  na habang buhay nilang dadalhin ang “beauty with a purpose” na adbokasiya ng organisasyon.

Sa Instagram video ay nagpahatid ng mensahe sa frontliners si Megan kasama ang iba pang Miss World beauty queens bilang parte ng kanilang #OneWorld #MissWorld campaign.

“Let us celebrate the powers of our HEROES who rise with STRENGTH & PRIDE. Salamat po sa ating mga frontliners,” ani ni Megan.

Aktibo rin ang Kapuso actress sa pagpapaabot ng tulong sa mga higit na apektado ng COVID-19 pandemic sa pamamagitan ng kanyang online fundraising para sa mga medical frontliners sa provincial hospitals at pagtangkilik sa mga fresh fruits at vegetables ng mga aetas mula sa Subic.

Samantala, muling mapapanood sa telebisyon si Megan sa upcoming GMA series na Legal Wives kasama sina Dennis Trillo, Alice Dixson, at Bianca Umali.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Ms. Everything at DJ Loonyo, nagpakilig sa ‘All-Out Sundays’ online show

Marian Rivera, may pa-auction para sa COVID-19 charity