in

Carla Abellana, paglalaba at pag-aalaga ng aso ang pinagkakaabalahan ngayong quarantine

Hinangaan ng netizens ang pagiging down-to-earth at maalam sa mga gawaing-bahay ni Kapuso actress Carla Abellana.

Sa ipinost niyang Quarantine Life vlog sa kanyang YouTube channel, natuwa ang viewers ng mahusay na aktres sa simpleng routine nito sa bahay habang nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang buong Metro Manila.

Ayon kay Carla, nasa kani-kanilang probinsya raw ang kasambahay at personal assistant niya kaya mag-isa siyang kumikilos sa mga gawaing-bahay. Kung hindi nga raw dahil sa boyfriend niyang si Tom Rodriguez na kasama niya ngayon sa bahay ay baka nabaliw na siyang mag-isa.

Lalo rin daw niyang na-appreciate ang halaga ng paggawa ng mga gawaing-bahay, “Sa mga misis, stay-at-home moms, kasambahay, assistants, hardinero, at driver, saludo po ako sa inyong lahat. Hindi ko po kakayanin ang mga trabaho ninyo.”

Bukod sa pagpapakain at pagpapaligo ng kanilang mga aso, pagluluto, paglalaba, at pagtitiklop ng mga sinampay ang ilan pa sa mga pinagkakaabalahan ni Carla habang naka-quarantine.

“Grabe you’re really adorable and down to earth. I thought hindi po kayo marunong ng gawaing-bahay because of your profession but I was wrong. Also you look so jolly and simple, you are more than gorgeous po inside and out,” mensahe naman ng netizen.

Mapapanood si Carla sa Love of my Life na pansamantalang pinalitan ng My Husband’s Lover sa timeslot nito sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Christian Bautista, pinayuhan ang online auditionees ng ‘The Clash’

Brent Valdez, naghanda ng merienda para sa frontliners!