in

‘Brigada,’ may online series alay sa frontliners

Isang series ng mga originally-produced video ang handog ng news magazine program na Brigada tampok ang magigiting nating frontliners. Ito ang “Frontliners: A Brigada Special Online Series” na mapapanuod sa official Facebook page ng nasabing GMA News TV show. 

Kuwento ng mga frontliner sa iba’t ibang panig ng mundo at ng kanilang pakikipaglaban sa COVID-19 ang mapapanuod sa bawat uploaded video. Bukod sa doktor, nurse, at mga medical staff, kasama ang mga nagtatrabaho sa crematorium, mga fashion designer na lumikha ng PPEs para sa frontliners, at iba pang nagbibigay ng kanilang oras at buhay sa mga binibigyang-pugay ng Frontliners: A Brigada Special Online Series”. Sila ang mga kababayan nating patuloy sa pagganap ng kanilang tungkuling sumagip sa buhay ng iba kahit ibig sabihin pa nito ay nalalagay rin ang kanilang buhay sa panganib. 

Pero sa gitna ng lahat ng ito, nananatili pa rin silang nananalig at may positibong pananaw na malalagpasan din natin ang mga pagsubok. Sana nga ay maisip ng mga nakakapanuod ng mga video ng Brigada kung gaano kaseryoso ang laban natin sa COVID-19 at kung gaano kahirap ang bawat araw na sinusuong ng ating mga kababayang frontliner.

Mapapanuod ang series sa official Facebook page ng Brigada:

https://www.facebook.com/watch/BrigadaGMA/656154671594356/

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kris Bernal, nagbahagi ng bagong workout routine sa kanyang fans

Christian Bautista, pinayuhan ang online auditionees ng ‘The Clash’