in

‘Voltes V: Legacy’ director Mark Reyes, patuloy ang preparasyon para sa live-action series

Hindi alintana para sa production team na bumubuo sa much-awaited live-action series na Voltes V: Legacy ng GMA-7 ang ipinatupad na enhanced community quarantine.

Business as usual pa rin para sa tanyag na direktor na si Mark Reyes ang pag-produce ng inaabangang series kahit pa man stuck at home ang kanilang team.

Sa kanyang Instagram post, ipinasilip ni Direk Mark ang naganap na Zoom meeting ng kanilang team kung saan makikita ang buong pre-production team na ginagaya ang iconic “Volt in” movements ng beloved anime. Aniya sa post, “Some sense of normalcy.

Team V5 volted in today.” Hindi pa man opisyal na ina-anunsyo ang magiging cast at hindi pa nagsisimula ang taping, ramdam naman ang excitement ng avid fans ng iconic anime sa upcoming adaptation ng GMA-7.

“Direk, announce niyo na po ‘yung cast then mag-volt in sila via Zoom,” biro pa ng isang netizen. Ikinatuwa rin ng supporters ang pagiging passionate at dedicated ng team ni Direk Mark na patuloy pa rin ang pre-production work kahit na nasa lockdown.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Lani Misalucha, hindi lang singer, home repair diva na rin!

Derek Ramsay, aminadong nahihirapan sa kinakaharap na krisis