in ,

Mikael Daez at Megan Young, nagpaabot ng tulong sa staff ng ‘Love of my Life’

Dahil sa pinatupad na enhanced community quarantine sa Luzon, stop taping muna ang mga programa para maiwan ang pagkalat ng virus. Isa nga sa mga apektado ng tigil-trabaho ay ang staff ng GMA primetime series na Love of my Life.

Kaya naman hindi nagdalawang-isip ang Kapuso actor na si Mikael Daez na tulungan ang kanyang mga katrabaho sa serye. Katuwang ang asawang si Megan Young, nagpadala ng financial assistance at relief goods ang mag-asawa sa staff ng Love of my Life.

Sa Facebook video na in-upload ng isang miyembro ng production team na si Michele Borja, mapapanood dito ang naging pasasalamat ng lahat ng staff na nabigyan ng tulong nina Mikael at Megan.

Tunay na kahanga-hanga ang pinakitang pagtulong ng Kapuso stars sa kanilang mga katrabaho ngayong patuloy na pinapatudad ang lockdown sa buong Luzon. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mylene Dizon, ginupitan ng buhok ang nobyong si Jason Webb

Julie Anne San Jose at Maricris Garcia, nagbigay ng donasyon sa GMA Kapuso Foundation