in

Michael V., muling binigyang-diin ang kabayanihan ng frontliners

Sa isang Facebook post ng DepEd Philippines, nag-alay sila ng isang tribute song para sa kadakilaan at kabayanihan ng mga healthcare worker na pumanaw dahil sa COVID-19.

Pinamagatan itong “Dakila Ka, Bayani Ka” na isinulat ng songwriter-producer na si Arnie Mendaros, at arranged by Albert Tamayo. Halos 40 artists ang nag-volunteer na umawit, kabilang na ang multi-awarded comedian at content creator na si Michael V.

Ayon sa ‘Bubble Gang’ at ‘Pepito Manaloto’ actor, pumayag siya sa proyektong ito para bigyang-diin ang importasya at sakripisyo ng mga nasa frontline. Aniya, “Feeling ko wala akong magagawa against this and from where I am. Kaya ko mag-record, kaya ko mag-send ng files, pero ‘yung tipong ginagawa ng mga frontliners, hindi ko kaya. Kaya nu’ng sinabihan ako ni Albert kung available ako, sabi ko, ‘Oo naman. Sino bang hindi available ngayon?”

Kabilang din sa mga umawit sina Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones at musician Ricky Gonzales na mga tinamaan ng virus at gumaling din.

Dagdag ni Bitoy, “Nagkaroon ng impact at meaning ‘yung kanta dahil talagang sila mismo, na-experience nila ang kadakilaan at kabayanihan ng mga frontliner natin.”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Julie Anne San Jose at Maricris Garcia, nagbigay ng donasyon sa GMA Kapuso Foundation

Gabbi Garcia, Sanya Lopez at Kylie Padilla, muling magsasama-sama sa ‘Daig Kayo Ng Lola Ko’