in

Marian Rivera, nagpamahagi ng gatas sa mga batang apektado ng health crisis

Bukod sa pamamahagi ng pagkain sa frontliners katuwang ang asawang si Dingdong Dantes, tuluy-tuloy pa rin ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa pagtulong sa mga apektado ng COVID-19 pandemic.

Sa kanyang Instagram, pinost ni Marian ang nakuhang kahong-kahong gatas na kanyang ipamimigay sa mga kabataang nangangailangan ng nutrisyon ngayong patuloy na may kinakaharap na krisis ang bansa.

Aniya, “Sending 500 milk boxes today, thank you @yespinoy for helping me allocate. Let’s keep our children healthy and safe always.”

Samantala, pagbibidahan ni Marian ang upcoming GMA series na ‘First Yaya’ kung saan makakatrabaho niya si Gabby Concepcion.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Bagong single ni Julie Anne San Jose, trending sa music charts

Kris Bernal, nagbahagi ng bagong workout routine sa kanyang fans