in

Julie Anne San Jose at Maricris Garcia, nagbigay ng donasyon sa GMA Kapuso Foundation

Dahil sa patuloy na banta ng COVID-19 pandemic sa bansa, tuluy-tuloy pa rin ang pagkalap ng donasyon ng GMA Kapuso Foundation para matulungan ang mga kababayan nating apektado ng krisis.

Kaya naman hindi rin tumitigil ang mga artista na magbigay ng kanilang tulong sa mga nangangailangan. Sa katunayan, nagbigay ng kani-kanilang donasyon sa GMA Kapuso Foundation ang Kapuso singers na sina Julie Anne San Jose at Maricris Garcia.

Ang ibinigay nilang donasyon na nagkakahalaga ng P50,000 each ay mula sa talent fee na kanilang natanggap sa Lazada for Good, ang fundraising concert ng kompanya.

Samantala, patuloy naman ang Operation Bayanihan: Labanan Natin ang COVID-19 campaign ng GMAKF para makalikom ng pondo para sa medical supplies ng frontliners at mga ospital. Para mag-donate, bisitahin lamang ang official website ng GMA Kapuso Foundation.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mikael Daez at Megan Young, nagpaabot ng tulong sa staff ng ‘Love of my Life’

Michael V., muling binigyang-diin ang kabayanihan ng frontliners