in

Juancho at Joyce, nakakaramdam ng anxieties bunsod ng COVID-19 pandemic

Kahit papaano, thankful ang newly-wed Kapuso couple na sina Juancho Trivino at Joyce Pring na magkasama sila ngayon na may kinakaharap na global pandemic na COVID-19.

Naninirahan sila ngayon sa isang condo unit at inamin nilang kasalukuyang nakakaranas din sila ng anxieties at problema.

Sa isang video interview with GMA, ikinuwento ng Unang Hirit hosts ang kalagayan nila, ani Juancho, “Ako individually, I go through a lot of worries. Siyempre, inevitable na ‘yun. Kahit na hindi ako mismo ‘yung nahihirapan, this isn’t something that we’re prepared for na kahit ilang beses natin itong pag-usapan, mahirap pa rin talaga kapag pinagdadaanan.”

Dagdag naman ng kaniyang maybahay na si Joyce, “Yeah, siguro lahat naman ng tao makakarelate na this has been a struggle for everyone siguro iba-iba lang ang levels ng struggle. Feeling ko nag-settle down ‘yung height of everything where everyone was kind of busy nanonood tayo lahat ng news.”

Kahit sila, hindi rin naiiwasan ang pag-alala at mabahala sa nagiging kundisyon ng bansa pati ng mga frontliners. Sa kabila nito, inaanyayahan ng JuanChoyce ang lahat ng mga kababayang Pilipino na maging matatag dahil makakabangon din tayo mula sa krisis na ito.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Max Collins, naghihintay ng approval mula sa doktor para sa water birth

Jasmine Curtis-Smith, ibinahagi ang experience bilang mag-isa ngayong lockdown