in

Jak Roberto at Sanya Lopez, 10 ang alagang aso!

Stuck at home man ang magkapatid na sina Jak Roberto at Sanya Lopez dahil sa ipinatupad na enhanced community quarantine, paniguradong hindi malulungkot ang dalawa dahil sa mga cute at makukulit na alaga nilang aso na umabot na sa sampu!

Sa kanyang panayam sa Unang Hirit, binahagi ni Sanya na tig-limang aso sila ng kuya Jak niya kaya naman laging masaya ang kanilang tahanan.

“10 silang aso kaya hindi malungkot. Masaya at magulo,” ani ng Kapuso actress.

Kuwento ni Sanya, nahilig sila ng kanyang Kuya Jak sa pag-aalaga ng aso mula noong may kinupkop silang stray dog, “Nag-start kami nahilig sa dogs noong mayroon kaming stray dog na inalagaan tapos nawala siya.”

Dagdag pa ng Kapuso actress na nahihilig ngayon sa TikTok, pinopost niya raw ang mga masasayang videos na ito para mapagaan ang loob ng kanyang followers lalo pa na mabigat ang kinahaharap na problema ng mundo.

Napapanood naman si Sanya tuwing gabi sa Encantadia na pansamantalang pinalitan ang Descendants of the Sun sa timeslot nito sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Willie Revillame, nagbabala tungkol sa mga pekeng accounts na ginagamit ang ‘Wowowin’

Betong Sumaya at Ate Gay, patuloy ang pagpapasaya sa mga kababayan sa gitna ng krisis