in

Sunshine Dizon, simpleng birthday celebration ang hatid sa anak

Tulad ng kanyang karakter sa pinagbibidahang top-rating GMA Afternoon Prime series na Magkaagaw, sa tunay na buhay, isang huwarang ina si Kapuso actress Sunshine Dizon sa kanyang 2 anak na sina Doreen at Anton.

Hindi alintana para kay Sunshine ang ipinatupad na enhanced community quarantine para ipagdiwang ang ika-9 na kaarawan ng unica hija na si Doreen. Ibinahagi ng former Ika-6 Na Utos star sa Instagram ang simpleng party nila para kay Doreen.

“Asalto for my baby love, my forever China doll, my one and only Sunshine girl, and my first born @doreenisabeltan,” ani ni Sunshine sa kanyang sweet Instagram picture ng anak na may hawak-hawak na cake.

Samantala, habang hindi muna napapanood ang Magkaagaw sa GMA Afternoon Prime, napapanood si Sunshine sa rerun ng Ika-6 Na Utos pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Rocco Nacino, mga alagang aso ang nagpapaligaya ngayong quarantine

Drew Arellano, sinuportahan ng mga kaibigan sa “Drew’s Closet”