in

SFT reporters, nagbahagi ng karanasan sa “MoJo”

Sa loob ng isang taon, marami na ring balita at kuwentong nailahad ang weeknight online newscast na Stand for Truth. “MoJo” or “mobile journalism” ang pinausong paraan ng pagbabalita ng SFT. Gamit lamang ang kanilang mobile phones, nakapagpo-produce ng kanilang report ang mga up and coming Kapuso reporters na sina Nico Waje, Manal Sugadol, Shai Lagarde, Izzy Lee, Eduard Faraon, Mj Geronimo, Bhea Docyogen, Jm Encinas, at Anthony Esguerra. 

Sa kanilang first anniversary ngayong April, ibinahagi ng ilang SFT reporters ang kanilang karanasan sa nasabing newscast. Paglalahad ni MJ: “Nililindol habang bumubuo ng balita—ganito ang naranasan ko kasama si Shai sa coverage namin ng lindol sa Itbayat, Batanes noong July 2019.” Hindi raw sila nito napigilan sa paghahatid ng balita. Ayon pa kay Izzy, “Mahirap talakayin ang iba’t ibang istorya. Ngunit sa tuwing nakagagawa tayo ng IMPACT sa tao, muli kang nabubuhayan ng loob na magpatuloy sa paglalahad ng totoo at tamang balita”.  

Sabi nga ni Shai, “Bilang isa sa mga tagapanguna ng “purely mojo” newscast, sinisikap ng Stand For Truth na makapaghatid ng balita at kwento mula sa kakaibang pananaw at anggulo. Saan mang sulok, anuman ang kailangang sakyan, handang makipagsapalaran.” Malaki nga ang sakripisyo ng mga reporters pero para kay Manal, “Bawat sakripisyo na ginagawa natin, imahe pa rin ito ng inspirasyon na ipagpatuloy ang buhay”. Congratulations, SFT reporters! 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Drew Arellano, sinuportahan ng mga kaibigan sa “Drew’s Closet”

Klea Pineda, panalangin ang safety at health ng frontliners