in

Rhian Ramos at nobyong si Amit Borsok, ibinahagi ang kanilang daily quarantine routine

Sa ika-apat na linggo magmula nang ipatupad ang enhanced community quarantine sa Luzon, ibinahagi ni Love of my Life star Rhian Ramos ang kanyang daily routine kasama ang nobyong si Amit Borsok habang sila ay naka-quarantine.

Kahit pa stuck at home, nananatiling productive si Rhian sa pagbuhos nito ng oras sa mga gawaing bahay at maging charity livestreams. Pinuri naman ng netizens ang pagiging maalam sa gawaing-bahay ng Kapuso actress pati na rin ang nakakaaliw na vlog content nito, “Ito yung isa sa mga celebrity vloggers na gusto ko to watch kasi may sense of class and maturity ang content.”

Mainam din daw ang mga lessons na ibinabahagi ng aktres lalo pa sa panahon ngayon ng krisis, “Gotta appreciate what you HAVE instead of what you DON’T – Rhian Ramos. Tamang-tama yung life lesson ngayong ECQ days. I love watching your vlogs.”

Pansamantala namang mapapanood ang My Husband’s Lover sa timeslot ng pinagbibihang serye ni Rhian na Love of my Life tuwing gabi sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Zoren Legaspi, paglalaba ang exercise ngayong naka-quarantine

Bianca Umali, may DIY face mask din iwas-COVID-19!