in

Mikael Daez at Megan Young, ibinahagi ang wedding video

May bagong sorpresa ang Kapuso couple na sina Love of my Life star Mikael Daez at Megan Young sa kanilang fans. Ibinahagi na sa wakas ng dalawa ang kanilang wedding video kung saan mapapanood ang ilang tagpo mula sa dalawa nilang wedding ceremonies.

Matatandaang dalawang beses nagpakasal sina Mikael at Megan noong Enero. Ang unang ceremony ay ginanap sa Caleruega na dinaluhan lamang ng kani-kanilang mga pamilya. Samantala, ang ikalawa nilang kasal ay dinaos naman sa Subic na ginawang mas malaking selebrasyon para sa kanilang mga mahal sa buhay, kaibigan at mga katrabaho.

Mapapanood din sa video kung bakit naging ‘Bonez’ at ‘Fofo’ ang tawagan nila sa isa’t isa maging ang interviews mula sa kanilang mga pamilya at kaibigan. Mapapanood ang wedding video ng mag-asawa sa YouTube channel ni Mikael. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Jeremiah Tiangco, may alay na kanta para sa frontliners

Rocco Nacino, mga alagang aso ang nagpapaligaya ngayong quarantine