in

Lani Misalucha, hindi lang singer, home repair diva na rin!

Mula sa kanyang titulo na Asia’s Nightingale dahil sa mala-world class nitong talento sa pagkanta, may panibagong nama-master na skill ang Kapuso singer at former The Clash judge na si Lani Misalucha ngayong naka-home quarantine siya at ‘yun ay ang pagiging home repair diva.

Ayon sa kanyang eksklusibong panayam sa Unang Hirit, ibinahagi ni Lani na nadiskubre niya ang panibagong skill na mag-repair at magkumpuni ng mga appliances sa kanilang inuupahang condominium gaya ng air-conditioner.

Magmula raw nang ipatupad ang enhanced community quarantine, marami raw siyang napapansin na kagamitan sa kanilang condo na kailangang ayusin kaya naman ibinubuhos daw ni Lani ang kanyang oras dito.

“So ‘pag ganyan pala kahit maliit lang ‘yung lugar mo, puwede ka pa rin pala makakita ng puwedeng gawin. Makakakita ka ng mga, ‘Ay ito pala, kailangan pala itong i-repair,” saad ni Lani.

Dagdag pa ni Lani ay katulong din daw n’ya ang asawa niyang si Noli Misalucha sa pagkukumpuni ng mga kagamitan. Bukod sa home repair, hobby at part na rin ng daily routine ngayon ni Lani ang panonood ng Korean dramas.

Samantala, bukas pa rin ang online auditions para sa ikatlong season ng The Clash mula April 4 hanggang June 28, 2020. Pumunta lang sa official website ng GMA o sa Facebook Messenger ng The Clash.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Dobol B sa News TV,’ tatlong taon na!

‘Voltes V: Legacy’ director Mark Reyes, patuloy ang preparasyon para sa live-action series