in

GMA Network, waging muli sa New York Festivals

Muling nagbigay karangalan para sa Pilipinas ang GMA Network matapos magwagi ang dalawang public affairs program nito na The Atom Araullo Specials at Brigada sa 2020 New York Festivals “World’s Best TV and Films” Competition.

Silver World Medal sa Best Investigative Report category ang napanalunan ng “Babies4Sale.PH” episode of The Atom Araullo Specials. Tinalakay ng nasabing dokyu ni Atom ang naging talamak na pagbebenta ng sanggol sa social media.

Bronze World Medal naman sa History & Society category ang nasungkit ng Brigada episode na “Aeta Squadron/Female Spies”. Pinakita sa naturang dokyu ang Aeta Squadron 30, na may malaking kontribusyon sa pagdepensa sa Pilipinas noong World War II ngunit sa kasalukuyan ay hindi pa nakatatanggap ng anumang military pension. Host sa nasabing news magazine program ng GMA News TV si Kara David.

Congrats, GMA Network!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Michael V. at Carol Bunagan, nagdiwang ng kanilang 26th wedding anniversary sa gitna ng ECQ

Zoren Legaspi, paglalaba ang exercise ngayong naka-quarantine