in

Valeen Montenegro, may handog na free online workout classes

Mainam na panatilihing fit at malusog ang pangangatawan ngayon na may lumalaganap na nakakahawang sakit sa buong mundo.

Ito ang motto ni Bubble Gang star Valeen Montenegro na namimigay ngayon ng free online workout classes sa kanyang followers sa Instagram at maging sa video conferencing app na Zoom.

Mapapansin ang workout videos ni Valeen sa kanyang Instragram page na humihikayat sa lahat na manatiling aktibo kahit nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang bansa.

“Hopefully I was of great help to everyone this quarantine period. Thank you all for trusting me in leading your workouts kahit team replay kayo,” ani ni Valeen. Kapansin-pansin naman na marami ang nahihikayat ng Kapuso star na mag-work out at masipag din nitong nirerepost ang mga nagta-tag sa kanyang followers na sumusunod sa kanyang pageehersisyo.

“Lagi ko po ginagawa ang mga workout niyo.

May nakikita na po ako improvement sa body ko. Thank you big help po to!”

Samantala, mapapanood pa rin si Valeen kasama ang kanyang kwelang squad sa longest-running comedy program na Bubble Gang tuwing Biyernes sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Janine Gutierrez, nagsimula ng sariling fundraiser

Heart Evangelista, aminadong inaatake ng anxiety sa gitna ng quarantine