Tuluy-tuloy ang paglikom ng donasyon para sa fundraising na “Guhit Pantawid: Portraits for a Cause” na inilunsad ng Kapuso actor na si Tom Rodriguez katuwang ang nobyang si Carla Abellana.
Ang malilikom na pondo ay gagamitin para sa daily wage earners na apektado ng COVID-19 pandemic. Ayon kay Tom, first time niyang tumanggap ng commission artworks kaya espesyal sa kanya ang proyektong ito lalo na for a good cause. Inspirado rin ang Kapuso actor sa kanyang ginagawa at isang responsibilidad ang tingin niya rito.
Kwento pa niya, “After ko matapos i-drawing and signed it, I put a little message for them.
That way…grabe ‘yung pasasalamat ko sa kanila because I know how difficult the circumstances are now and they are extending themselves out para lang matulungan din ‘yung mga daily wage earner sa ‘tin.”
Samantala, muling pinaalalahanan ni Carla ang lahat na manatili sa kanilang mga tahanan at sumunod sa mga patakaran ng gobyerno bilang tulong sa pagsugpo ng health crisis sa bansa.
Aniya, “Ang daming nagi-guilty na hindi sila makapagbigay ng tulong but staying at home is really the best way to think and help. ‘Wag tayong mawawalan ng pag-asa. Sulitin na lang natin ‘yung time natin para makapagpahinga, na gawin ‘yung mga hobbies.”