Sa latest YouTube video ng “The Solinaps”, ibinahagi ng former SexBomb leader na si Rochelle Pangilinan ang kanyang 5-minute full-body home workout.
Aliw ang hit song ng all-girl group na “Spaghetti” bilang kanta na ginamit niya pang-workout para maging fun ang cardio at dumbbell exercises. Sey ng subscribers, buong video raw ay nakangiti sila at request nila’y more fun workouts pa raw sana ang i-upload ni Rochelle.

Samantala, kasalukuyang napapanood muli si Rochelle sa rerun ng ‘Onanay’, Lunes hanggang Biyernes, 3:20 pm sa GMA Afternoon Prime.