in

Max Collins, humingi ng tulong para sa mga kababayan sa Boracay

Nanawagan ang Kapuso artist na si Max Collins sa kaniyang mga fans para abutan ng tulong ang kaniyang mga kababayan na nakatira sa Boracay na apektado ng global pandemic na COVID-19.

Dahil sa Enhanced Community Quarantine na ipinatupad, malaki na ang nalugi ng mga kabuhayan sa tourist destination kaya naman humihingi ng suporta ang aktres sa mga followers niya sa Instagram para sa isasagawang food drive para sa mga mahihirap na pamilya sa Boracay na walang kakayahan bumili ng sapat na pagkain dahil sa pansamantalang kawalan ng trabaho.

Nakatataba ng puso na makita si Max na abala pa rin sa pag-iisip sa kapakanan ng kanyang kapwa kahit na nagdadalang-tao ito. Saludo kami sayo, Kapuso!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Gabbi Garcia, nagpamahagi ng PPEs sa mga ospital

Rodjun Cruz at Dianne Medina, may ipapangalan na sa kanilang baby!