in

Marian Rivera, ipagbe-bake ng homemade cake si Ziggy para sa kanyang birthday

Bukod sa pag-aalaga sa kanyang pamilya habang naka-quarantine sa bahay, isa rin sa pinagkakaabalahan ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang pagluluto ng masasarap na putahe para sa kanyang mga mahal sa buhay.

Iba’t ibang ulam at masasarap na desserts ang kanyang inihahanda para sa asawang si Dingdong Dantes at mga anak na sina Zia at Ziggy. At ngayon naman, ang kanyang susunod na gagawin ay ang pagbe-bake ng cake para sa 1st birthday ni Ziggy sa April 16.

Sa Instagram stories ng aktres, ipinakita nito sa kanyang followers kung paano niya ibe-bake ang cake gamit ang mga available ingredients sa kanyang bahay. Bukod sa cake, gagawan din niya ng homemade ice cream ang bunsong anak. Talagang sinusulit ng aktres ang kanyang bonding time kasama ang pamilya habang patuloy na pinapatupad ang enhanced community quarantine sa Luzon. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Rodjun Cruz at Dianne Medina, may ipapangalan na sa kanilang baby!

Barbie Forteza, ikinuwento kung paano sila mag-bonding ni Jak Roberto sa gitna ng ECQ