in

‘Line to Heaven’ ni Jeric Gonzales, may music video na rin!

Inilabas na noong Biyernes, April 16, ang official music video ng bagong single ng ‘Magkaagaw’ star na si Jeric Gonzales na pinamagatang ‘Line to Heaven,’ ang kaniyang version ng OPM classic ng Introvoys.

Inabangan ito ng mga taga-hanga ng aktor na sabik na siyang makita muli sa TV. Bukod sa mahusay na pag-arte, may itinatago rin palang galing sa musika si Jeric bilang mala-anghel ang kaniyang boses at nakaka-tugtog din siya ng ilang mga instrumento.

Maaring pakinggan at panoorin ang ‘Line to Heaven’ ni Jeric sa social media pages ng GMA Music at sa YouTube channel nito. Congrats, Kapuso!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

GMA Regional TV Live! mapapanuod na simula sa Lunes

Kapuso stars, game na game sa Pillow Challenge