in

Kris Bernal, nagbigay ng tips para maging productive habang naka-quarantine sa bahay

Dahil naka-quarantine ngayon sa kanilang bahay ang mga artista, sinusulit nila ang panahon na ito para makasama ang pamilya at magawa ang kanilang hobbies.

At isa sa mga Kapuso stars na sinusulit ang kanyang oras sa bahay ay si Kris Bernal. Bukod sa pagluluto at pagwo-workout, pinagkakaabalahan din niya ang pag-aaral para sa kanyang business.

Kasalukuyang may dalawang negosyo ngayon si Kris, ang restaurant na ‘House of Gogi’ at makeup brand na ‘She Cosmetics.’

Ayon sa aktres, nag-enrol siyang sa online course para may matutunan sa pag-manage ng kanyang mga negosyo, “’Yung gusto ko matutunan, ‘yung puwede kong strategies, since I didn’t take naman any business management course. Wala akong tineyk na gano’n. Lahat ‘to experience lang. Ang dami mong puwedeng makuhang free online course sa internet, as in ang dami talaga. Kailangan mo lang hanapin kung ano ‘yung fit sa ‘yo.”

Nagbigay din si Kris ng payo para maging productive sa bahay, “If you have a skill that you want to enhance or there’s a project like a business na hindi mo masimulan, baka ito na ‘yung chance na ‘yon. Pag-aralan mo and then get into it.”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Arny Ross at fiancé, namahagi ng milktea sa frontliners

Kapuso stars, nagsama-sama sa online benefit concert para sa yumaong talent