in

Kapuso stars, nagsama-sama sa online benefit concert para sa yumaong talent

Bumuhos ang pagmamahal sa online benefit concert na ini-organize ng GMA Public Affairs, ang “#ParaKaySeph,” para sa pamilyang naulila ni Joseph Delos Reyes, ang Kapuso talent at Director of Photography na yumao dahil sa COVID-19.

Pinangunahan nina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera ang mga GMA artist na nagbigay ng kanilang oras at talento para makalikom ng pondo para sa naiwang asawa at anak ni Joseph. Kasama sa mga ito sina Julie Anne San Jose, LJ Reyes, Glaiza de Castro, Ruru Madrid, The Cips (Chynna Ortaleza and Kean Cipriano), Sponge Cola, Ice Seguerra, Manilyn Reynes, Denise Barbacena, Tom Rodriguez, Jeffrey Hidalgo, Gladys Reyes and Christopher Roxas, Buboy Villar, Jr., Jelai Andres at King Badger, at Arra San Agustin. Karamihan sa kanila ay nakatrabaho ni Joseph sa mga programa ng GMA Public Affairs. May kurot sa puso ang mga kuwentong ibinahagi nila tungkol kay Joseph. Mabait, humble, at magaan daw katrabaho ito.

Para sa mga nais pang magpaabot ng kanilang tulong para sa pamilya ni Joseph, maaari kayong magdeposit sa Account Name Ashiana Mago: BPI Account # 3189319699 at BDO Account # 000161122337. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kris Bernal, nagbigay ng tips para maging productive habang naka-quarantine sa bahay

Audio clip na kumakalat, hindi boses ni Jessica Soho