in

GMA Artist Center stars, nanawagan ng donasyon para sa Project RICE Up

Tuloy ang fundraising ng GMA Artist Center stars na “Project RICE Up” para sa mga Pilipinong walang trabaho dahil sa implementasyon ng enhanced community quarantine upang mabawasan ang bilang ng mga nagugutom sa bansa. Hiling din nila na nawa’y mas marami pa ang makiisa sa proyektong ito.

“Habang patagal nang patagal ang epidempyang ito, parami nang parami ang mga kababayan nating nagugutom. Samahan ninyo po kami sa Project RICE Up. Let’s be a blessing to others,” ani ng Bubble Gang star na si Liezel Lopez.

“Sama-sama nating pagtagumpayan ang pagsubok na ito. Panahon ngayon para tumulong tayo sa mga nangangailangan,” ayon kay Descendants of the Sun PH actress Nicole Donesa.

Para naman kay Angela Alarcon, na malapit nang mapanood sa upcoming GMA series na Babawiin Ko Ang Lahat, “Even in our own little ways of reaching out to them, malaking tulong pa rin po ito sa ating mga kababayan. At tayo pa rin ay may ambag sa lipunan.”

Ang mga pondong makakalap ay ite-turnover ng GMAAC sa GMA Kapuso Foundation upang maipamahagi sa iba’t ibang komunidad. Kung nais mag-donate, maaari lamang bisitahin ang link na ito https://ticket2me.net/e/6520/tickets.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, binalikan ang kanilang masayang Japan trip

Gabbi Garcia, nagpamahagi ng PPEs sa mga ospital