in

Glaiza de Castro, busy sa gawaing-bahay habang naka-quarantine

Bukod sa pagtatanim, natutunan din ng Kapuso actress na si Glaiza de Castro ang iba’t ibang gawaing bahay habang naka-quarantine sa kanilang bahay. Ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram account ang litrato niya na naglalaba kaya naman naitanong ng isa niyang follower kung handa na ba siyang magkapamilya.

Agad na sumagot si Glaiza at sinabing nagkaroon siya ng crash course dahil sa ipinatupad na enhanced community quarantine.

Aniya, “Itong quarantine na ito, para akong nag crash course sa pagkakaroon ng pamilya. Sinubukan ko lang kung mas mae-enjoy ko ba ‘yung pagkuskos kung naka shades. Nag work naman.”

Dagdag pa ng aktres, pagkatapos nito ay susubukan din niya ang hit ngayon na Pillow Challenge. Samantala, napapanood ngayon si Glaiza sa rerun ng Encantadia gabi-gabi sa GMA Telebabad.   

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Tom Rodriguez, tuloy ang pagguhit para sa mga apektado ng health crisis

Rochelle Pangilinan, ibinahagi ang 5-minute full-body home workout