in

Barbie Forteza, ikinuwento kung paano sila mag-bonding ni Jak Roberto sa gitna ng ECQ

Sa latest video sa Facebook page ni Kapuso PR Girl, ikinuwento ni Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza kung paano sila mag-bonding ni Jak Roberto sa gitna ng Enhanced Community Quarantine.

Aniya, madalas daw silang mag-video call, “Video call talaga. Minsan mas maaga siyang nagigising sa akin kaya pagkagising ko ang dami niyang text. Minsan sabay kaming nagwu-workout virtually bago ako mag-Netflix. O kaya minsan kapag may movie na hindi pa namin napapanood parehas, sabay naming pinapanood habang magka-video call.”

Dagdag ni Barbie, nami-miss man nila ang isa’t isa ay alam nilang mas importante ang manatili sa bahay muna, “Siyempre iba pa rin ‘yung magkasama pero mas importante ay safe kayong dalawa.”

Samantala, muling napapanood sina Jak at Barbie sa romantic comedy series na ‘Meant To Be’ gabi-gabi sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Marian Rivera, ipagbe-bake ng homemade cake si Ziggy para sa kanyang birthday

Bida kid Rain Barquin, ipinasilip kung paano siya naghahanda sa grand finals ng ‘Centerstage’