in

Mikael Daez at Megan Young, nag-away sa gitna ng quarantine

Hindi maiiwasan na magkairingan ang mga magkarelasyon ngayon na stuck sa kani-kanilang tahanan magmula nang ipatupad ang enhanced community quarantine gaya na lamang ng recently-married Kapuso couple na sina Mikael Daez at Megan Young.

Sa kanilang YouTube podcast na #BehindRelationshipGoals, ibinahagi ng dalawa ang kanilang pag-aaway dahil sa hindi ma-deliver ng maayos ni Megan ang kanyang linya habang nagshu-shoot sila sa bahay para sa isang brand.

Ayon kay Mikael, parehas daw silang na-frustrate dahil sa nasayang na oras at sa huli ay umiyak si Megan dahil hindi nito kayang ituloy ang naturang shoot. Dagdag pa ni Mikael na sadyang may personality trait daw ang asawa nitong si Megan na minsan ay mahiyain kahit pa na nanalo ito ng Miss World 2013 at aakalain mong confident and graceful ito sa lahat ng oras.

Aminado naman si Megan na nagpatalo ito sa kanyang takot at sinigurado lang daw niya na nailabas niya ang kanyang sama ng loob. Sa huli, nagbati rin sina Megan at Mikael sa pag-uusap ng masinsinan.

“I think the most important tool that we had in our relationship is being able to settle down quickly and talk about it,” saad ni Mikael.

Samantala, dahil tigil muna sa taping, pansamantalang mapapanood ang My Husband’s Lover sa timeslot ng Love of my Life na pinagbibidahan ni Mikael sa GMA Telebabad. Magbabalik-telebisyon din si Megan sa GMA series na Legal Wives kasama ang leading man na si Dennis Trillo.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Jon Lucas, naghandog ng kanta para sa healthcare workers

Hilig sa dokyu at basketball, malaki ang naitulong kay Howie Severino habang nasa ospital