in

‘Mars Pa More’ hosts, nanumpa na maging responsable sa panahon ng COVID-19 outbreak

Magandang ehemplo talaga ang ipinakita ng Mars Pa More hosts sa mga manonood na kapwa nilang mga ilaw ng tahanan! Sa isang inspiring video na ibinahagi sa kanilang Facebook page, pinangunahan nina Camille Prats at Iya Villania ang panunumpang maging responsableng mamamayan at nanay sa kanilang mga pamilya.

Alam naman ng lahat na mahalaga ang papel ng mga ina ngayong panahon ng COVID-19 pandemic bilang sila ang punong-abala sa pag-aalaga ng kanilang pamilya habang sama-samang naka-quarantine sa bahay.

Sila rin ang paghuhugutan ng lakas at pag-asa ng bawat miyembro ng kanilang pamilya. Marami ang natuwa sa ginawang ‘Panata Maka-Nanay’ ng dalawang hosts na nangakong makikiisa sa laban ng bansa sa nakakatakot na virus. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Heart Evangelista, gumawa ng DIY face mask

Music video ng kanta ni Bianca Umali, umani ng positive reviews!