in

Kapuso stars, suportado ang Project RICE Up

Naniniwala ang Kapuso stars na sina Jeric Gonzales, Will Ashley at Radson Flores na malalagpasan natin ang COVID-19 pandemic sa pamamagitan ng bayanihan. Kabilang ang tatlo sa mga sumusuporta sa Project RICE Up na sinimulan ng mga artista ng GMA Artist Center (GMAAC).

Nais ng Kapuso artists na mabawasan ang bilang ng mga nagugutom pati na rin ang hirap na nararanasan ngayon sa bansa, partikular na ng mga Pilipinong walang trabaho dahil sa implementasyon ng enhanced community quarantine. 

“Sa krisis na pinagdadaanan nating lahat ngayon, walang malaki or maliit na halaga ang kahit anumang tulong na pwede nating maibigay sa mga Kapuso nating higit na nangangailangan,” ayon kay Jeric.

“Kasama ng dasal, ito ang aking munting tulong para sa aking mga Kapusong Pilipino sa panahon ng krisis,” dagdag ni Will. 

“Mapa-butil man ang ating maiambag o sako ng bigas, malaking tulong ito para sa ating mga kapatid na nagugutom. Kaya nandito ang Project RICE Up para makatulong tayo,” paliwanag ni Radson.

Ang mga pondong makakalap ay ite-turnover ng GMAAC sa GMA Kapuso Foundation upang maipamahagi sa iba’t ibang komunidad. Kung nais mag-donate, maaari lamang bisitahin ang link na ito https://ticket2me.net/e/6520/tickets.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Music video ng kanta ni Bianca Umali, umani ng positive reviews!

Kapuso stars, muling naghatid ng inspirasyon