in

Jon Lucas, naghandog ng kanta para sa healthcare workers

Bilang pasasalamat sa frontliners na patuloy na nagsasakripisyo para labanan ang banta ng COVID-19 pandemic, nagsulat ng dalawang kanta ang Descendants of the Sun actor na si Jon Lucas para magbigay ng pag-asa at inspirasyon sa lahat.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Jon na nilapatan niya ang mga kanta ng musika na prinodyus at kinompows ni Michael Pacquiao, ang anak ni Sen. Manny Pacquiao.

Ang kantang ‘Wag Kang Matakot’ ay alay niya sa lahat ng apektado ng COVID-19 outbreak habang ang ‘Modernong Bayani’ naman ay handog niya sa mga frontliner.

Ayon kay Jon, layunin niya na maghatid ng inspirasyon sa gitna ng kinakaharap nating krisis at nais din niyang ipaabot ang kanyang pasasalamat sa lahat ng ating healthcare workers.

Saludo naman ang netizens sa ginawa ni Jon para bigyang-pugay ang ating modern-day heroes na patuloy na naglilingkod sa ating bansa.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Dingdong Dantes, nagbigay ng update sa fundraising project para sa mga apektado ng COVID-19

Mikael Daez at Megan Young, nag-away sa gitna ng quarantine