in

Hilig sa dokyu at basketball, malaki ang naitulong kay Howie Severino habang nasa ospital

Malaki ang pasasalamat ng award-winning broadcast journalist na si Howie Severino sa mga medical frontliner na nag-asikaso sa kanya habang nakikipaglaban siya sa COVID-19.

Sa panayam ni Atom Araullo kay Howie sa Stand for Truth, ibinahagi ni Howie ang kahalagahan ng pagkakaroon ng “strong internal life” o yung kakayahan mong i-entertain ang sarili mo at maging positive sa panahon ng pagkakasakit lalo na’t karamihan ng mga COVID-19 patient ay isolated.

Buti na lang din daw at ‘yung nurse na nagbabantay sa kanya ay mahilig sa basketball at documentary—dalawang bagay na gusto rin ni Howie. Sa katunayan, pangarap pala ng nurse na nabanggit ang gumawa ng dokyu.

Kaya naman si Howie, ini-encourage ang nurse na tuparin ang pangarap nito. Tinuruan pa ng batikang dokumentarista ang nurse kung paano gumawa ng isang documentary at nagprisenta pang maging subject mismo nito sa pagdokyu ng buhay-frontiners.

“Hindi mo naman kailangan mag-shoot ng ibang pasyente. Andito ako,” sabi ni Howie nang mag-alinlangan ang nurse dahil sa isyu ng privacy. 

Sa kanyang pagiging COVID-19 patient, lalo raw natanto ni Howie ang ibang antas ng pagsasakripisyo ng mga frontliner. Bukod sa risk at pagod, marami ang hindi na makauwi dahil malayo ang tirahan o dahil itinataboy ng mga kapit-bahay. Napakalaki nga raw ng stigma na nararanasan nila ngayon.

“Kaming mga survivor, medyo magiging malaya na kami. Pero sila, tuloy-tuloy pa rin ang kanilang misyon.”

Kaya naman, si Howie, hindi pa man 100% fully recovered, walang tigil na sa pagbabahagi ng kanyang karanasan bilang COVID-19 survivor. Sa Sabado nga (April 18), idi-detalye ni Howie ang kanyang karanasan bilang si Patient 2828, sa pamamagitan ng special documentary sa I-Witness kung saan mapapanuod ang mga kuha ng kanyang nurse. Tiyak na marami tayong matututunan sa nasabing dokyu. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mikael Daez at Megan Young, nag-away sa gitna ng quarantine

Willie Revillame, mas palalawigin ang pagtulong ng ‘Wowowin’