in

Elijah Alejo, teacher’s pet nga ba?

Kakaibang Elijah Alejo ang mapapanood ngayong Linggo sa episode ng Dear Uge. Malayo kasi ang gagampanan nitong role bilang si Nona na isang masipag at mabait na bata, taliwas sa spoiled at mataray na karakter ni Brianna sa top-rating GMA Afternoon Prime series na Prima Donnas.

Makakasama ni Elijah sa Dear Uge ang beteranang aktres na si Eugene Domingo na gaganap namang si Teacher Pet, isang guro na huminto sa kanyang trabaho dahil sa isang ‘di inaasahang pangyayari sa kanyang former employer.

Dahil sa kanyang passion sa pagtuturo, nakilala ni Teacher Pe ang bibingka seller na si Nona, pamangkin nina Sabel (Lotlot de Leon) at Baldo (Dennis Padilla).

Gustung-gusto ni Nona na mag-aral ngunit mas gusto ng kanyang ninong at ninang na magtrabaho siya. Maliban pa diyan, gusto pa nilang ibenta si Nona sa loan sharks! Matulungan kaya ni Teacher Pet si Nona? ‘Wag palampasin ang exciting episode na ito sa Dear Uge Presents: Teacher Pet,kasama sina Elijah Alejo, Lotlot de Leon, at Dennis Padilla, ngayong Linggo, April 19, sa GMA.’

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Bianca Umali, ibabahagi ang hilig sa adventure sa ‘Amazing Earth’

Mavy at Cassy Legaspi, pinanggigilan ng netizens ang baby video