Dahil sa ipinatupad na enhanced community quarantine sa Luzon, sarado at tigil muna ang operasyon ng mga establisyemento at malls sa lungsod. At dahil naka-quarantine sa kanilang bahay, nagdesisyon si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes na magpagupit sa kanyang misis na si Primetime Queen Marian Rivera.
Ito ang naging diskarte ng mag-asawa habang nananatili sa kanilang bahay bunsod ng lockdown. Approved naman kay Big Boss ang bago niyang hairstyle na mismong si Marian ang gumupit.
Sa Instagram stories ng mag-asawa, makikita ang new look ni Dingdong at very proud ito sa ginawa ng kanyang misis.