in

Project RICE UP ng mga Kapuso artists, inuulan ng suporta

Kabilang ang Kapuso actor na si Jason Abalos at Chinito Hunk na si David Licauco sa mga sumusuporta sa Project RICE Up na sinimulan ng mga artista ng GMA Artist Center (GMAAC). 

Sa pamamagitan nito, nais ng Kapuso artists na mabawasan ang bilang ng mga nagugutom pati na rin ang hirap na nararanasan ngayon sa bansa, partikular na ng mga Pilipinong walang trabaho dahil sa implementasyon ng enhanced community quarantine. 

Suportado ni Jason ang proyektong ito para sa mga Kapusong nangangailangan, “Para po ito sa ating mga kababayan na nangangailangan. Sinamahan ninyo po kami at sinuportahan ng maraming taon, hayaan n’yo naman po kami na suportahan kayo sa maliit naming pamamaraan. Malalagpasan po natin ito nang sama-sama.”

“We may be comfortably chilling inside our respective houses while waiting for this lockdown to end. Sadly, most Filipino families do not have this luxury. A lot of these people face hunger daily, and that is why GMA organized Project Rice Up. I urge you all to support, no amount is small enough. Any help can go a long way. Laban Pilipinas!,” ani ni David.  

Ang mga pondong makakalap ay ite-turnover ng GMAAC sa GMA Kapuso Foundation upang maipamahagi sa iba’t ibang komunidad. Kung nais mag-donate, maaari lamang bisitahin ang link na ito https://ticket2me.net/e/6520/tickets.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Laban ka? Kyline Alcantara, ikinasa ang kanyang #123DanceChallenge

Kris Bernal, magkano ang kinikita sa pagba-vlogging?