in

Myrtle Sarrosa, may touching message sa frontliners

Sa isang Instagram post, inilahad ng Kapuso actress na si Myrtle Sarrosa ang kaniyang pasasalamat sa walang humpay na dedikasyong ibinibigay ng frontliners para sa serbisyo sa kapwa ngayong panahon na may kinakaharap tayong pandemic.

Inupload niya ang video ng Department of Tourism (DOT) na “We Heal As One,” bilang pagsaludo sa mga healthcare personnel, military, food vendors, at iba pang mga manggagawa na nalalagay sa peligro ang buhay sa pagpasok pa rin araw-araw.

Aniya, naging emosyunal siya sa panonood nito, “Naiiyak ako while watching this video.

Truly a salute to all the frontliners around the world who put their lives on the line to save others.

Pinaalalahanan niya rin ang publiko na maging madasalin at mapagmahal sa kapwa. Isa rin si Myrtle sa mga Kapuso artists na tumutulong sa mga frontliner sa ating bansa.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

GMA Pinoy TV, may pa-tribute para sa Kapuso abroad na frontliners

Pagiging matapang ng GMA News Pillar na si Arnold Clavio, hinangaan ang mga netizens