Kasabay ng pagtatapos ng Holy Week ay ang magandang balitang natanggap ng Kapuso viewers dahil simula nitong Lunes, April 13, balik-ere na ang Unang Hirit mula 6 am hanggang 8 am.
No need to worry naman ang viewers dahil work from home rin halos lahat ng UH host dahil na rin sa ipinatutupad na enhanced community quarantine.
Na-miss nga raw ng viewers ang morning barkada lalo na ang kulitan nila. Malaki ang pasasalamat nila na bumalik na ang kanilang morning habit.
Iba pa rin daw kasi ang gigising ka sa umaga at mapapanuod mo ang Unang Hirit na naging bahagi na ng routine ng mga Pilipino. Kahit ang mga Kapuso abroad, ikinatuwa ang muling pag-ere ng longest-running morning show dahil feeling daw nila nasa Pilipinas pa rin sila.
Hindi naman tayo binigo ng ating UH barkada dahil kahit dalawang oras lang kada araw ang programa, tuloy-tuloy pa rin naman ang Serbisyong Totoo ng UH mula Lunes hanggang Biyernes.