Dahil sa lubos na matulungin, hindi hadlang para kay Kapuso actres at Legal Wives star Megan Young ang pananatili sa bahay para magpaabot ng tulong sa mga higit na nangangailangan sa panahon ngayon ng krisis na kinahaharap ng buong mundo.
Sa kanyang Instagram account, pinasalamatan ni Megan ang Aetas of Pastolan Village sa mga sariwang prutas at gulay na kanilang ibinahagi na gagamiting sangkap para sa mga pagkain ng frontliners sa Olongapo.
Bilang sukli sa busilak na puso ng mga aetas, hinikayat ni Megan ang mga malapit sa lugar na bumili ng mga sariwang pagkain mula sa kanila.
Ang kanilang tindahan ay matatagpuan sa QRB Store along Binictican Road, Subic Bay Freeport Zone. Bukod sa pagkain, nagpaabot din ng PPEs sa frontliners sina Megan katulong ang batchmates niya mula sa Regional Science High School III.
Na-inspire naman ang netizens sa ginagawang pagtulong ng Kapuso star, “You always inspire me to be a better human being, Megan.”
Samantala, muling mapapanood sa telebisyon si Megan sa upcoming GMA series na Legal Wives kasama sina Dennis Trillo, Alice Dixson, at Bianca Umali.