in

Heart Evangelista, libangan ang pagpipinta habang naka-quarantine

Dahil sa patuloy na banta ng COVID-19, may iba’t ibang paraan ang Kapuso stars upang libangin ang kanilang mga sarili at labanan ang quarantine stress habang nasa bahay.

Ang Queen of Creative Collaborations na si Heart Evangelista ay sa pagpipinta ibinubuhos ang kanyang oras para maibsan ang stress at anxiety na kanyang nararamdaman.

Kwento ng aktres sa kanyang Instagram post, “’Oh the canvas can do miracles, just you wait and see. This saying has been my mantra ever since and it never fails to calm my anxieties and inspire me to keep creating.”

Passion talaga ni Heart ang pagpipinta at ito ang kanyang nagiging libangan habang naka-quarantine sa kanyang bahay. Isa rin sa Heart sa mga local celebrities na patuloy na nagpapaabot ng kanilang tulong sa mga kababayan nating apektado ng health crisis.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Tom Rodriguez, nakiisa sa ‘Guhit Pantawid: Portraits for a Cause’

LOOK: Ruru Madrid, inilaban ang kanyang throwback ‘totoy’ days picture