Sa banta ng COVID-19, nakiisa ang GMA Network sa pagpapaabot ng pasasalamat sa mga frontliner.
Isang malaking banner ang nakapaskil sa harap mismo ng building nito na nagsasabing “Thank You, Frontliners! #Heroes” Nakakatuwa na sa simpleng paraan ay pinapakita ng Kapuso Network ang pagpupugay nito para sa mga bayani nating nakikipaglaban sa health crisis ngayon ng bansa.

Samantala, patuloy na tumatanggap ang GMA Kapuso Foundation ng donasyong pinansyal upang makapamili ng protective supplies para sa mga pampublikong ospital sa Metro Manila na may COVID-19 cases. Sa mga nais magpaabot ng tulong, bisitahin lamang ang https://gmanetwork.com/kapusofoundation/donate.