in

Cast ng ‘DOTS,’ ibinahagi ang realizations habang naka-quarantine

Dahil stop taping ang mga serye bunsod ng ipinatupad na enhanced community quarantine sa Luzon, maraming naging realizations ang ilang cast ng Descendants of the Sun sa kinakaharap nating krisis sa kasalukuyan.

Ayon kay Rocco Nacino, napagtanto niya ang kahalagan ng pamilya at importansya na ipadama ang pagmamahal sa ating mga mahal sa buhay.

Para naman kay Jasmine Curtis-Smith, dahil naka-quarantine siya ng ilang linggo sa bahay, marami siyang ’small victories’ kabilang na ang pagpapaligo sa kanya pusa na akala niya noong una ay mahirap gawin.

Sinegundahan naman ni Andre Paras ang realization ni Rocco na perfect time ito para maka-bonding ang ating mga mahal sa buhay. Napagtanto rin ni Andre na malaking tulong ang pananatili sa bahay para maiwasan ang pagkalat ng virus.

Mahalaga naman para kay Marina Benipayo na maging productive ang lahat habang naka-quarantine sa bahay. Aniya, importante na gamitin ang creativity at resourcefulness sa panahon ngayon. Siya ay nahihilig sa paggawa ng arts and crafts na kanyang ibebenta at ang perang malilikom mula rito ay ipambibili niya ng pagkain sa frontliners.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Patuloy ang pag-aaral ng Kabataang Pinoy sa bahay kasama ang Knowledge Channel

‘Wowowin,’ balik-telebisyon na!