in

ABS-CBN News, biglang nanakot sa social media, nagsorry agad

Sa gitna ng pangamba na magkaroon din ng lockdown lalo na sa Metro Manila sa kabila ng pagtaas ng COVID-19 case sa buong Pilipinas, ‘eto naman ang ABS-CBN News na biglang magpost tungkol sa kinatatakutang lockdown.

Ang nasabing post na deleted na ngayon ay may announcement tungkol sa magiging announcement ni Pangulong Rodrigo Duterte na may kasamang art card nagsasabing “President Duterte places Metro Manila under lockdown due to COVID-19.”

Kahit na deleted na ito ay marami pa ring nakapag screencap nito at patuloy na ikinakalat ng mga netizens.

Agad namang nilinaw ng ABS-CBN News ito at tulad ng inaasahan, pinutakti sila ng mga negative reactions sa spocial media.

“Kapamilya, narito ang isang paglilinaw ukol sa maling post na nailabas sa ABS-CBN News Facebook account. Humihingi po kami ng paumanhin sa nangyaring pagkakamali.”

Kapamilya, narito ang isang paglilinaw ukol sa maling post na nailabas sa ABS-CBN News Facebook account. Humihingi po kami ng paumanhin sa nangyaring pagkakamali.

Posted by ABS-CBN News on Thursday, March 12, 2020

Ang nasabing pagkakamali ay pinangunahan syempre ng isa pang nagmamagaling sa social media na si Mocha Uson. Aasahan na natin ang pagsawsaw niya sa dahilang gusto niyang magshutdown talaga ang network.

“Mukhang may masisesante,” sabi naman ng iba. At ang iba pa rin ay nagbigay ng payo lalo na sa mga nagpopost sa social media ng network.

Kasalukuyang nakapending pa rin ang franchise ng ABS-CBN.

Written by Catri Onay

Leave a Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published.

ABS-CBN, nanatiling pinakapinanood na TV network noong Pebrero

Pahayag ng Knowledge Channel sa Enhanced Community Quarantine