in

‘Love Thy Woman’ ng KimXi, pinakabagong family drama sa hapon

Kaya nga ba ng puso na magmahal nang pantay?

Dalawang pamilya ang maglalaban para sa pag-ibig sa pinakabagong teleseryeng pagbibidahan nina Xian Lim, Yam Concepcion, at Kim Chiu sa “Love Thy Woman,” na mapapanood na sa ABS-CBN simula Pebrero 10 (Lunes).

Tampok sa family drama ang inaabangang pagbabalik-teleserye ng tambalan nina Kim at Xian, ang teleserye comeback ni Yam pagkatapos ng “Halik,” at ang star-studded cast na kinabibilangan nina Eula Valdes, Sunshine Cruz, Zsazsa Padilla, Ruffa Gutierrez, at Christopher De Leon.

Iikot ang kwento sa isang modernong Filipino-Chinese family na pinamumunuan ng amang si Adam (Christopher) na ang hangad ay mahalin nang pantay ang dalawa niyang pamilya – ang unang asawang si Lucy (Eula) at anak nilang si Dana (Yam), at ang pangalawang asawang si Kai (Sunshine) at anak niya ritong si Jia (Kim).

Kahit na tanggap ng dalawang asawa ang sitwasyon, patuloy pa rin ang alitan sa pagitan nila at maapektuhan nito ang relasyon ng kanilang mga anak.

Isang gabi ang wawasak sa pamilyang Wong dahil maaaksidente si Dana at ang asawa niyang si David (Xian) sa gabi ng kanilang kasal, at malalagay sa coma si Dana.

Habang hinihintay nilang magising si Dana, mabububuo naman ang mas malalim na relasyon sa pagitan nina Jia at David na gugulo sa kanilang buong angkan.

Anong mga tagpo ang maghihintay sa paggising ni Dana? Hanggang kailan kayang pumagitna ni Adam sa pagsasama ng dalawa niyang pamilya?

Ang “Love Thy Woman” ay mula sa direksyon nina Jeffrey Jeturian, Andoy Ranay, at Jerry Lopez Sineneng. Mapapanood din dito sina Jana Victoria, Jennifer Sevilla, Chienna Filomena, China Yoo, David Chua, Shido Roxas, Tim Yap, Kimberly Tan, Mari Kaimo, Tori Garcia, Turs Daza, at Karl Gabriel.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Ruru Madrid, may kanta sa paghihintay ng tamang panahon sa pag-ibig

Dedikasyon ng mga sundalo sa “A Soldier’s Heart,” buong linggong tinutukan