in

Catriona Gray at pageant para sa mga bata, binuksan ang 2020 ng ‘It’s Showtime’

Pasabog ang pagsisimula ng “It’s Showtime” ngayong 2020 sa pagpapakilala nito kay Miss Universe 2018 Catriona Gray bilang ang pinakabagong magdadala ng saya sa madlang pople tuwing tanghali bilang co-host ng pinakabagong pageant nitong “Mini Ms. U.”

Ang “Mini Ms. U” ang pinakabagong pasikatan ng mga chikiting na beauty queen na gustong ipamalas ang kanilang talino, talento, at pagmamahal para sa pinapaniwalaan nilang adbokasiya.

“’Yung mga bata sobrang cute talaga. And just to see them really performing so well on stage and having such high confidence at that age – it’s really amazing to see,” saad ni Catriona, na sa kasalukuyan ay kumukuha rin ng Tagalog lessons.

Kada araw, tatlong bata ang maglalaban-laban para sa korona at tanghaling daily winner, na siya namang magkakaroong matupad ang advocacy o isa niyang kahilingan sa weekly finals. Ang mananalo namang grand winner ay may tsansa ring maging susunod na child superstar ng ABS-CBN.

Samantala, binuksan naman ng “It’s Showtime” ang pinto nito para sa madlang people na naghahanap ng swerte sa bagong segment nitong “Piling Lucky.” Mula sa madlang people na pumipila sa ABS-CBN Audience Entrance araw-araw, bubunutin ang Lucky 100. Mula rito, muling pipiliin sa pamamagitan ng bunutan ang Lucky 20 na makakapasok sa studio at makakapaglaro sa iba’t ibang rounds.

Mula sa 20 players, isa lamang sa kanila ang matitirang mapalad dahil siya ang may pagkakataong makuha ang jackpot prize na P50,000. Kapag hindi ito napanalunan, madadagdagan at madadagdagan naman ng P50,000 ang total prize kada araw.

Umarangkada na rin sa tanghalian ang ikaapat na taon ng “Tawag ng Tanghalan,” ang orihinal na kantahan ng musikang Pilipino, na patuloy na maghahanap sa loob at labas ng bansa ng susunod na singing superstar na hahanap sa grand champions na sina Noven Belleza, Janine Berdin, at Elaine Duran.

Mas pinatinding tapatan ang ihahain araw-araw dahil ngayong taon, maaari nang ma-gong ang daily winner o defending champion sa faceoff round. Hindi na lang din ang punong hurado ang may kapangyarihang makapag-gong, dahil sa bagong pakulong “power of four,” kapag may apat na hurado ang pumindot ng buzzers nila ay mago-gong na ang contender na nagpe-perform.

Dadami rin ang mapanuring tengang sasala sa tagisan dahil apat na respetado at tinitingalang haligi ng industriya ang makakasama ng mga hurado.

Ang “TNT All-Star Grand Resbak” ay bahagi pa rin ng isang buong taong selebrasyon ng ikasampung anibersayo ng “It’s Showtime.” Subaybayan ito mula Lunes hanggang Sabado ng tanghali sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (Sky Cable ch 167). Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Twitter, Instagram, at Facebook at bisitahin ang abscbnpr.com. Para naman mapanood ang episodes ng programa, mag-download ng iWant app (iOs at Andoid) o mag-register sa iwant.ph.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Bagong season ng ‘Mathdali’ sa Knowledge Channel simula na

Kim Atienza, nag-bonding kasama sina ‘You Do Note Girl Majo’ at ‘Gigil Kid Carlo’ sa ‘Matanglawin’